^

Metro

5 bulagta sa pamamaril

- Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang kalalakihan ang napatay sa naganap na magkakahiwalay na pamamaril sa Navotas, Malabon at Caloocan City kahapon.

Ayon kay P/Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas City Police, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng bangkay ng lalaki na tinatayang nasa  20 hanggang  25-anyos,  nakasuot ng kulay violet na t-shirt, gray na short ay may  tattoo na “Niknok” sa kaliwang braso.

Bandang alas-3:53 ng madaling-araw nang matagpuan ni  Barangay Executive Officer Ferdinand Sebastian ang biktima na nasa kahabaan ng Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas City, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan kung saan narekober ang ilang plastic sachet ng shabu.

Samantala, bandang ala-1:30 ng madaling araw naman nang pagbabarilin  din ang isang Alyas Nonoy sa bahagi ng Kaingin 1, Gov. Pascual Avenue sa Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Ayon kay Neneng Mendoza, volunteer watchman,  nakarinig siya ng putok ng baril habang nasa outpost  siya ng Aglipay Compound kung saan kaagad niyang pinuntahan.

Kaagad na humingi ng tulong si Mendoza sa mga pulis matapos matagpuan ang duguang katawan ng biktima kung saan idineklarang patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang cardboard na nakasulat ang mga katagang “magnanakaw ako huwag tularan”.

Bandang alas-9:30 naman ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Rufino Rex Diaz, 42, ng London St., Vista Verde, Brgy. 167, Caloocan City sa kahabaan ng Llano Road na may tama ng bala sa mukha.

Samantala, si Jerry Concepcion, 33, ay napatay matapos itong pagbabarilin ng dalawang kalalakihang naka-bonnet sa loob ng Antonio Compound sa Brgy. 121, Caloocan City.

Narekober ng mga pulis  sa bulsa ng biktima ang ilang plastic sachet ng shabu at P3,000 cash.

vuukle comment

BULAGTA SA PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with