^

Para Malibang

Blacklisted na Employer

BUHAY OFW - Pang-masa

Natuwa ang mga overseas Filipino workers sa Saudi Arabi sa aksiyon ng Labor Mi­nistry ng nasabing bansa sa planong ilalathala ang mga pa­ngalan ng mga employer at recruiter agencies na sangkot sa pang-aabuso sa mga domestic helpers.

Ang magiging blacklisted na mahuhuling abu­sadong employer at agency ay pangangalanan sa Musaned, ang government website na licensed recruitment office ng UKS.

Lahat ay sang-ayon sa ganitong hakbang na ang  layunin ay maprotektahan ang karapatan ng mga household service workers laban sa mga masasamang amo. Mungkahi ng mga OFW na dapat ang mahuhuling employers na mabibilang sa listahan ay hindi na dapat  bigyan ng kasambahay.

Pero hiling ng mga OFW na dapat ang gobyerno mis­mo sa ‘Pinas ang mag-doble check dahil karamihan sa mga employers ay nagpapalit lang ng pangalan. Dapat  din na i-track ng pamahalaan ang mga agencies na nagpapadala ng mga empleyado sa Gitnang Silangan. Upang alamin ang tunay na kalagayan ng mga OFW lalo na ang mga DH nang tuluyang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kababayang Pinoy.

vuukle comment

FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with