^

Pang Movies

Nathalie waging best actress sa international filmfest sa Manhattan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nathalie waging best actress sa international filmfest sa Manhattan!
Nathalie Hart

Nanalo na ng best actress award si Nathalie Hart sa International Film Festival Manhattan para sa launching sexy flick niyang Siphayo pero wala pang linaw kung kailan ito maipalalabas sa local theaters, huh!

Tapos, may naglalabasan ng pictures sa social media ng movie niyang Tisay with JC de Vera. Baka mas mauna pa itong ipalabas, huh!

Kasi, sa last interview kay Nathalie, tamer ang love scenes at sexy scenes niya rito kumpara sa Siphayo na all out ang sexy star! Labas nga ang boobs, huh!

Winner man sa international filmfest si Nathalie, mas masarap pa rin ‘yung napapansin ang acting niya rito, huh!

Dahil sa kaartehan, Aktres banned sa mga show sa probinsiya!

Kinamumuhian ngayon ng ilang concert promo­ters sa probinsiya ang isang baguhang aktres.

Nang kunin kasi para sa isang out of town show ang aktres nag-inarte ito kahit hindi pa ganoon siya kabenta sa telebisyon. Nagbigay ang promoter ng down payment bilang standard regulation sa kontrata kahit malayo pa ‘yung date.

Eh nang malapit na ang show at ipinaalala sa aktres ang commitment, pati na call time niya sa okasyon ay nag-inarte ito. Sariling oras ang binigay niya ng pagdating sa venue.

Nahilingan kasi ang aktres ng kanyang network na puntahan muna ang isang event bago dumiretso sa prior sked niya. Pinagbigyan agad-agad ng aktres ang hiling ng network kahit na nga walang talent fee ito.

Kaya ang nangyari, late dumating ang aktres sa engagement na unang natanguan. Galit na galit ang promoter sa nagbagong ugali ng aktres. Ipinamalita ng promoter ang ugali ng aktres sa kapwa niya promoters na nangakong susuportahan siya’t iiwasang kunin ang aktres sa mga event sa probinsiya.

vuukle comment

NATHALIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with