^

Punto Mo

Ex PCSO official, dapat kasuhan din ng plunder

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGSAMPA na ng plunder ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa mga dating matataas na opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ito ay kaugnay ng umano’y maanomalyang kontrata sa pag-lease ng lupain na pag-aari ng Maynila.

Aabot sa P234 milyon ang umano’y anomalya na batay sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) ay may iregularidad.

Pero marami ang nagtatanong kung kailan naman kakasuhan ng plunder ang mga dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Napakaraming anomalya rin sa nakaraang administrasyon  sa PCSO at mismong nagsagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI).

Lumitaw na napakalaking salapi umano ang napunta sa bulsa ng mga dating opisyal ng PCSO partikular ang mga kita sa small town lottery (STL) na ginawang front ng illegal jueteng operations.

Dapat ay magsaliksik nang husto ang VACC na tumututol din sa mga katiwalian sa gobyerno.

Hindi dapat palampasin ang mga dating opisyal ng PCSO at batay sa mga ulat ay mayroong tumatayong sindikato.

May mga alegasyon kay dating PCSO general manager Ferdinand Rojas at ang buong board na umano’y kasama sa sindikato pero makakabuting ito ay imbestigahan upang malinis ang kanilang pangalan kung walang anomalya.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with