^

Police Metro

2 pa sugatan... NPA ambush: Pulis utas

Lawrence Agcaoili - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang pulis ang nasawi habang ang dalawa nitong kasama ang malubhang nasugatan matapos masabugan ng bomba ang kanilang sasakyan at pagbabarilin habang pabalik sa kanilang police station kahapon ng umaga sa Sitio Tangag, Brgy. Gangao, Baleno, Masbate.

Ang nasawi dahil sa tinamaan sa ulo ay kinilalang  si PO2 Jack Brondial habang malubhang nasugatan sina PO1s Warren Amistoso at Rex S. Valdemoro.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagsabog ay nakatanggap ng tawag ang Baleno Municipal Police Station dakong alas-5:00 ng umaga ukol sa isang lalaki na natagpuang patay sa tabi ng National Highway.

Nagresponde ang mga nasabing pulis at nagsagawa ng imbestigasyon at sa kanilang pagbalik sa police station ay nasabugan ang kanilang police patrol car sa daanan kasunod ang pamamaril sa mga ito ng mga rebeldeng NPA na kung saan tinamaan ang mga pulis.

Nagawang makaganti ng putok ang mga pulis at tumagal ng halos 10 minutong palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde.

vuukle comment

ASSET BUBBLE

HOUSING INDUSTRY

REAL ESTATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with