^

Bansa

‘Tulak’ utas sa shootout

BUSINESS CHIC - Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nagpahuli ng buhay ang isang hinihinalang ‘tulak’ ng iligal na droga makaraang makipagpalitan ng putok sa mga umaarestong pulis na nagresulta ng kanyang kamatayan, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-2:30 ng hapon nang mapaslang ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Unit ang suspek na si Danilo Hernan, alyas Danny Damulag,   at residente ng Tupda Village, Brgy. 8, ng naturang lungsod.

Naaresto rin sa naturang operasyon sina Jeffrey Garcia, Raymart Picana, Rodel Consomino, Richard Brazil, Isidro Casdtrodez, Jayson Ben, Sheryl Solano, At Celeste Grace Guttierez.

Nabatid na nagsagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng SAID makaraan ang sumbong sa lantarang bentahan ng iligal na droga at pot session sa Brgy. 8. Nang dumating ang mga pulis, bigla umanong nagtatakbo si Hernan kaya hinabol ito ni PO2 Cruz.

Una umanong pinaputukan ng sumpak ng suspek ang pulis na gumanti ng putok at nagresulta sa pagkakapaslang sa una.  Nakumpiska ng mga pulis sa operasyon ang sumpak na gamit ng napaslang na suspek, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang timbangan, at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with