^

Bansa

BFP mag-iinspeksiyon sa mga dorm, iskul

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, inatasan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang Bureau of Fire Protection (BFP) na magsagawa ng inspection sa lahat ng school buildings, universities, colleges gayundin ang mga dormitoryo ng mga estudyante at boarding houses upang mabatid na sumusunod ang mga ito sa fire safety requirements and standards.  

Sa direktiba ni Robredo kay BFP officer-in-charge C/Supt. Samuel Perez, inatasan nito ang pamunuan na manguna sa pagpapa-alala sa pag-iwas sa sunog at kaligtasan sa bawat paaralan at dormitoryo para matiyak ang kaligtasan ng milyong estudyante ngayong pasukan.

Ngayong taon, isang dormitoryo para sa mga estudyante ang nasunog sa Sampaloc, Manila kung saan may P100,000 halaga ng ari-arian ang nasira. Wala namang iniulat na nasawi sa naturang insidente.

Bilang tugon, sinabi ni Perez na inutusan na niya ang kanyang regional at field directors para mag-ikot sa lahat ng unibersidad, kolehiyo at mga boarding houses sa kani-kanilang mga lugar para matukoy kung sumusunod ang mga ito sa mandatory requirements na iniatas ng Fire Code law.

Ilan sa mga requirements ang pagkakaroon ng fire alarms, automatic fire suppression system (AFSS), smoke detector, exit signs, na dapat ay mataas; first aid kit, fire extinguisher at daanan patungo sa fire exit.

vuukle comment

BILANG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE

FIRE CODE

ILAN

NGAYONG

PEREZ

SAMUEL PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with