PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pacquiao pinayuhan ni Purisima

MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Finance Sec. Cesar Purisima si pound for pound boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na huwag personalin ang nakahaing tax evasion case dito na isinampa ng Bureau of Internal Revenue-Region 12.

“Don’t take it personally. The Bureau of Internal Revenue (BIR) is just doing its job,” wika ni Purisima na dumalo sa Philippine Investment forum sa Manila Peninsula Hotel kahapon kung saan si Pangulong Aquino ang guest speaker.

Sabi ni Purisima, walang sinuman ang exempted sa pagbabayad ng buwis kaya hindi daw dapat tignan na pinepersonal ang pambansang kamao ng BIR.

Magugunita na sinampahan ng kaso ng BIR region 12 si Pacquiao dahil sa pagkabigo na maisumite ang mga dokumento kaugnay sa kanyang mga negosyo at iba pang source of income.

Siniguro naman ni Pacquiao kamakalawa sa ipinatawag nitong press conference na lalabanan nito ang BIR region 12 hanggang sa huling round.

Hiniling din ni Rep. Pacquiao kay Pangulong Aquino na sibakin ang BIR-region 12 chief dahil sa hindi daw nito alam ang kanyang trabaho.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: