^

Bansa

Ampatuan sampahan ng plunder - Drilon

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Franklin Drilon ang pagsasampa ng kasong plunder sa pamilya Ampatuan sa pangunguna ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan dahil sa nabunyag na  paglulustay umano ng pondo ng rehiyon.

Natuklasan umano ng Commission on Audit (COA) na nagkaroon ng korupsiyon sa ARMM dahil pinayagan ito ng nagdaang administrasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

“The COA finding is indeed mind boggling in terms of the corruption and this corruption took place because the pre­vious administration under GMA tolerated the Ampatuans in Maguindanao,” sabi ni Drilon.

Umaabot umano sa kabuuang P1.486 bilyong public works projects ang maikokonsiderang “spurious”.

Hindi rin umano suportado ng mga dokumento ang pagbabayad ng ARMM-DPWH ng nasa P1.123 bilyon sa 112 suppliers at contractors.     

Inihalimbawa pa ni Drilon ang nangyari sa pagitan ng Enero 2008 hanggang Disyembre 2009 habang nanunungkulan ang mga Ampatuans kung saan nagkaroon ng kabuuang P1.862 bilyong cash advances.

May pangyayari pa umano na sa isang araw lamang ay nakapag-encashed ng tseke na nagkakahalaga ng P98.25 milyon.

“In the particular case of ARMM, from January 2008-December 2009 during the regime of the Ampatuans, a total of P1.862 billion was cash advances. In one day, these checks are being encashed amounting to P98.25 million. The CoA found this highly improbable considering that the purported payees were located in the different municipalities and pro­vinces,” wika pa ni Drilon.

Ayon pa  kay Drilon sa kabila ng malaking pondong ibi­nibigay ng gobyerno sa ARMM taun-taon, nananatili pa ring isa sa pinakamahirap na lugar sa bansa ng nasabing rehiyon.

Sinabi pa ni Drilon na maliwanag na bigong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa ARMM dahil na rin sa maling paghawak ng mga lider sa nasabing lugar.   

vuukle comment

AMPATUAN

AMPATUANS

ARMM

AUTONOMOUS REGION

AYON

DRILON

MUSLIM MINDANAO

PAMPANGA CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with