^

Bansa

Mga batas sa kapaligiran 'di epektibo, pinapa-imbentaryo

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Pinapa-imbentaryo ni Aurora Rep. Sonny Angara ang lahat ng mga batas para sa kapaligiran na hindi napagtutuunan ng pansin at kulang sa pondo.

Sinabi si Rep. Angara na sa kabila ng pagkakaroon ng sapat na environmental laws ay hindi pa rin ito epektibo upang labanan ang mga problemang dulot ng mga bagyo, pagbaha at landslides sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Naniniwala din si Angara na importanteng repasuhin ng gobyerno ang mga prayoridad nito at baguhin ang istratehiya upang maging ganap at mahigpit ang implementasyon ng mga environmental law na makakatulong upang maiwasan o maibsan ang epekto ng mga kalamidad.

Dahil dito kayat kinuwestiyon ng mambabatas ang kinahinatnan ng Republic Act 9003 na naglalayong pairalin ang mga mekanismo at insentibo sa solid waste management program at parusahan ang mga umaabuso sa batas.

Tinukoy din nito ang mga hindi napopondohang batas tulad ng RA 8749 na naglalayong makapaglatag ng komprehensibong air pollution control policy, Comprehensive water quality management act, at RA 9367 na nagsusulong ng paggamit ng biofuels.

vuukle comment

ANGARA

AURORA REP

DAHIL

NANINIWALA

PINAPA

REPUBLIC ACT

SINABI

SONNY ANGARA

TINUKOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with