PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

'Suspek sa Vizconde hindi makakatakas sa Diyos'

MANILA, Philippines –  Tiniyak ni  Puerto Prin­cesa Bishop Pedro Arigo na hindi matatakasan ng suspect sa Vizconde massacre ang batas ng Panginoon.

Ang pahayag ni Arigo ay bunsod na rin ng gina­wang pag-abswelto ng Korte Suprema kay Hubert Webb, at anim na iba pang akusado sa natu­rang kaso. 

Ayon kay Arigo, hindi matatakasan ng tunay na salarin sa krimen ang hustisya kahit pa kabilang ang mga ito sa maimpluwensiyang pamilya. 

Bukod dito, naniniwala si Arigo na lalabas ang tunay na salarin dahil mahirap kalaban ang konsensiya.

Giit ni Arigo, hindi naman ang Korte Suprema ang “last court of resort” ng tao sa paghanap ng hustisya, kundi ang hukuman ng Diyos. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: