PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Noy-Mar inendorso ng INC

MANILA, Philippines - Inindorso ng maimpluwensiyang Iglesia ni Cristo sina presidential candidate Benigno “Noynoy” Aquino III at vice presidential candidate Mar Roxas ng Liberal Party para sa halalan sa Lunes.

Inianunyo ng isang local na simbahan ng INC sa Quezon City dakong alas-4:45 ng madaling araw nitong Miyerkules sa isang liturgical service ang pagsuporta kina Aquino at Roxas.

Nagmula umano mismo ang pahayag kay Executive Minister Eduardo Manalo.

Ayon sa INC, marami silang mahahalagang bagay na isinaalang-alang sa pagbuo ng naturang desisyon.

Kaagad namang nilinaw ng INC na ang pag-endorso nila kina Noynoy at Mar ay hindi nangangahulugan na ang ibang mga kandidato ay hindi karapat-dapat na hu­mawak ng nasabing posisyon.

Nagpahayag rin ng pakikiisa ang INC sa buong bansa para sa paghahangad nito ng malinis at mapayapang halalan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nanghihinayang naman ang Malacañang at Lakas-Kampi-CMD dahil hindi ang administration candidate na si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr. at runningmate nitong si Edu Manzano ang sinuportahan ng INC.

Sinabi ni Presidential Political Adviser Prospero Pichay sa media briefing sa Palasyo na, bagaman hindi nakuha ni Teodoro ang endorsement ng INC, tiwala pa rin ang administration party na mapagwawagian nito ang halalang pampanguluhan.

Ikinasorpresa rin ni da­ting Pangulong Joseph Estrada, standard bearer ng Pwersa ng Masang Pilipino, ang pag-iindorso ng INC kina Aquino at Roxas pero sa kabila nito ay nirerespeto niya ang desisyon ng INC. (Mer Layson, Malou Escudero, Rudy Andal at Joy Cantos)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: