PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Laban nina Cory at Ninoy itutuloy nina Kris at Noynoy

MANILA, Philippines - Tiniyak ng aktres at TV host na si Kris Aquino na itutu­ loy nila ng kapatid niyang si Senador Benigno “Noynoy” Aquino III ang laban ng yumao nilang mga magulang na sina Senador Benigno “ Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangu­long Corazon Aquino matapos ang isang huling misa na pinangunahan nina Bishop Socrates Villegas at Rev. Fr. Catalino Arevalo na spiritual adviser ng kanyang ina.

Sa pagsasalita ni Kris sa necrological service sa Manila Cathedral, sinabi niya na sila ni Noynoy ang nasa po­sisyon para ipagpatuloy ang laban ng kanilang ina na tinaguriang “Icon of Democracy” at amang bayani na si Ninoy.

Pinangako din ni Kris sa harap ng libu-libong tao at sa kanyang kuya na hindi niya ito pababayaan anumang suporta ang kailangan nito partikular na sa political career.

“Alam mo ‘Noy, sa huling pakikipag-usap natin kay mom, nangako ako sa kanya na susuportahan kita lagi,” sabi ni Kris.

Naging madamdamin ang pamamaalam ni Kris na kumatawan sa pamilya Aquino kung saan sinimulan niya ito ng mga katagang “ minamahal kong kababayan” na madalas na ginagamit ng dating pangulo sa kanyang mga pagharap sa publiko.

Lahat ng nasa loob ng Manila Cathedral ay walang tigil sa pagpahid ng kanilang mga luha sa naging pahayag ng bunsong anak ni dating Pangulong Aquino kung saan nagpasalamat ito sa taumbayan at sa kanyang mga kapatid sa lahat ng nakidalamhati sa kanila na nagsasakripisyo sa gitna ng init at buhos ng ulan masilayan lang sa huling pagkakataon ang labi ng kanilang ina.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi mahulugang-karayom ang dami ng mga taong dumalo sa requiem Mass para sa dating Pangulong Aquino mula sa loob at labas ng Manila Cathedral kung saan dinaluhan ng mga ordinaryong tao, VIP at mga foreign dignitaries.

Ayon sa Philippine National Police, tinatayang aabot sa 20,000 ang dumagsa sa Manila Cathedral kaya ibinuhos na nila ang kanilang puwersa upang mabigyan ng sapat na seguridad ang paligid nito.

Matapos ang misa ay isang full military honors ang ibinigay sa dating pangulong Aquino bago ito isinakay sa 10-wheeler truck na pumum-puno ng bulaklak para ihatid sa Manila Memorial Park sa Paranaque City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: