^

Bansa

RP handa sa lindol at tsunami

-

Nakahanda ang Pilipinas sa malakihang ka­la­midad tulad ng lindol at tsunami dahil sa mga pagsisi­kap na ginagawa ng pamahalaan mula noong 2001.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Anthony Golez na tagapagsalita rin ng National Disaster Coordinating Council.

Ginawa ni Golez ang pahayag bilang tugon sa report ng Geoscience Australia na nagsasaad na mas nanganganib sa malakihang kalamidad ang Pilipinas, Indonesia at China. Mas marami umano ang mama­matay dito.

Inamin ni Golez na nanganganib talaga ang Pilipinas sa malaking lindol at tsunami dahil nasa Pacific ring of fire ang bansa.

Alin mang bansa na nasa ring of fire ay nanga­nganib talaga sa naturang mga kala­mi­dad.

Ang mahalaga anya ay kung paano nakaka­pag­handa sa naturang mga banta ang mga apektadong bansa.

Sinabi ni Golez na, mula pa noong 2001, inatasan na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng NDCC na ihanda ang mamamayan sa mga kalami­dad. (Marvin Sy)

vuukle comment

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANTHONY GOLEZ

GEOSCIENCE AUSTRALIA

GINAWA

GOLEZ

INAMIN

MARVIN SY

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with