PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 kandidato sa SC nadiskuwalipika

Tatlo sa 14 na kandidatong associate justices ng Korte Suprema na nasa Listahan ng Judicial and Bar Council ang nadiskwalipika.

Ayon kay Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Supreme Court, kabilang sa nadiskwalipika sina Solicitor General Agnes Devanadera, Atty. Rodolfo Robles at dating Bureau of Internal Revenue Chief Jose Buñag.

Sinabi ni Marquez na ang pagdiskwalipika kay Devanadera ay dahil sa mayroon pa itong nakabinbing kasong plunder at disbarment case at si Buñag ay dahil sa kasong plunder sa­man­talang si Robles ay dahil naman sa over age na ito sa edad niyang 65 anyos. (Gemma Amargo-Garcia)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: