PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

ROTC gawing mandatory

Naniniwala ang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) na panahon na upang gawing mandatory ang ROTC dahil ang mga ito ay sinanay sa relief operations at rehabilitasyon at pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.


Ayon sa PDSP, ang bawat munisipalidad na mayroong ROTC unit ay nakasisiguro na matutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa panahon ng kalamidad tulad na rin ng naging hagupit ni Milenyo sa bansa noong Setyembre 28.


Bilang bahagi ng ROTC curriculum, maaaring sanayin ng Red Cross ang mga kadete kung paano tugunan ang mga krisis at makipag-ugnayan sa mga local government units. Maaari ding bigyan ng kagamitan ang mga kadete depende sa kanilang pangangailangan.


Sinabi ng PDSP na sa pagiging disiplinado at civic-conscious ng mga kadete, ang ROTC ay maaaring maglaan ng grupo ng mga  idealistic na kabataan na handang isabak ang kanilang buhay sa panahon ng krisis upang maserbisyuhan ang mga maliliit na mamamayan. (Doris Franche)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: