^

Bansa

Koneksiyon ng partylist reps sa komunista ilalantad

-
Ilalabas na ng pamahalaan ang kanilang mga hawak na ebidensiya na nagpapatunay na ang ilan sa mga party-list representatives ay may koneksiyon sa communist rebel at kasama sa isinasagawang destabilisasyon laban sa administrasyong Arroyo.

Ito ang nabatid sa Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas na pinamumunuan ni National Security Adviser Norberto Gonzales kasabay ng pagsasabing isusumite nila ito bukas sa Department of Justice kaugnay ng pagsisimula ng preliminary investigation sa mga partylist congressman.

Aniya, ang mga ebidensiya laban sa mga ito ay bunga ng kanilang tatlong buwang intelligence work. Kasong rebelyon ang isinampa laban sa limang partylist representatives na pinaniniwalaang sangkot sa pagpapatalsik sa Arroyo government.

Ang mga ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng protective custody ng House of Representatives upang makaiwas sa pag-aresto.

Ayon naman kay Atty. Jose Ricafrente, head ng PDSP Legal Department, may sapat silang mga ebidensiya laban sa mga ito at mga saksi na handang tumestigo laban sa mga partylist solons na sangkot sa pagpapabagsak ng gobyernong Arroyo.

Matatandaan na una na ring hiniling ni Gonzalez ang pag-audit sa pork barrel ng mga nasabing kongresista sa posibilidad na ang mga pork barrel nito ay ipinamamahgi na sa iba’t ibang grupong komunista. (Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DORIS FRANCHE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JOSE RICAFRENTE

LEGAL DEPARTMENT

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

PARTIDO DEMOKRATIKO-SOSYALISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with