^

Bansa

Maguindanao niyanig ng 2 pagsabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niyanig ng dalawang insi­dente ng pagsabog ng bomba  na hinihinalang kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang bayan ng Datu Odin, Sinsuat kahapon ng umaga.

Ayon kay Captain Arvin Encinas, Spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), dakong alas-6:45 ng u­maga nang maitala ang unang pagsabog sa highway ng Brgy. Semba ng nasabing bayan.

Sinabi ng opisyal, sampung minuto pa matapos ang unang insidente ay nagkaroon ng ikalawang pagsabog sa lugar.

Nagulantang naman ang mga residente dito na nabulabog bunga ng naturang pagsabog.

Wala namang naitalang nasugatan at nasawi sa insidente pero ang pagsabog ay tumama sa gate ng isang bahay at ilang puno sa lugar.

Lumilitaw naman na mortar rounds ang ginamit sa pagpapasabog.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with