^

Bansa

Grupo giniit kay Angara na huwag isama ang pabahay sa VAT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Union of Filipino Consumers and Communiters (UFCC) kay Sen. Sonny M. Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, na tanggihan ang panukala ng Finance Department na patawan ng value-added taxes ang low-cost ­housing units pagkat anito’y lubhang makakaapekto sa milyong mamamayan na wala pang bahay.

Ipinahayag ni Rodolfo Javellana, pangulo ng UFCC, na ang ganitong hakbang ay nagbibigay ng impresyon sa grupo na kawalang pagpapahalaga ni Angara sa mahihirap kung ikokonsidera ang panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill.

Sa kasalukuyan, ang pabahay sa ilalim ng socialized, economic and low-cost housing na nagkakahalaga sa pagitan ng P450,000 at P3.2 milyon bawat unit ay VAT-exempt.

“Pinakiusapan namin si Senador Angara na ipuwera ang pabahay sa idadagdag sa VAT”. Kung layunin ng gobyerno ay makakolekta ng mas maraming buwis para pondohan ang mga basikong pangangailangan, ang kailangan lang ay harapin ang mga tax evader at mga tiwaling tax collector bago pag-isipang taasan ang buwis ng mga mahihirap.

Nangangamba ang grupo na ang pinapanukalang dagdag buwis ay makakaapekto sa 15 mil­yong OFWs na kinakaila­ngang iwanan ang kanilang pamilya para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Javellana na kahit na ang P3.2 milyong bahay at pababa, ang presyong hindi sakop ng VAT ay makakayanan lamang ng mayayaman. Ang kuwalipikadong homebuyers sa mga local at OFWs, ay kailangan pang magkaroon ng financial assistance na long-term para makabili ng bahay.

Isipin na lang ang kahihinatnan ng presyo kung isasama ang 12% VAT sa interest computation ng mga pautang na tumatagal ng 25-30 taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with