^

Bansa

Air, ground strike inilunsad vs BIFF

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Air, ground strike inilunsad vs BIFF

Ayon kay Captain Arvin Encinas, dakong alas-4 ng madaling araw nang magpaulan sila ng air at artillery fire mission sa mga Barangay Meta, Datu Unsay at sa Brgy. Timbangan, bayan ng Shariff Aguak sa Maguindanao. John Unson, file

MANILA, Philippines — Naglunsad na ng air strike at ground assault operations ang militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumusuporta sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa balwarteng teritoryo ng mga kalaban sa Central Mindanao kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Captain Arvin Encinas, dakong alas-4 ng madaling araw nang magpaulan sila ng air at artillery fire mission sa mga Barangay Meta, Datu Unsay at sa Brgy. Timbangan, bayan ng Shariff Aguak sa Maguindanao. 

Ginamitan ng bomber plane ng Philippine Air Force at 105 howitzer ang grupo ni BIFF Commander Bungos.

Inihayag nito na ang hakbang ay bahagi ng kautusan ni AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero na lipulin ang nalalabi pang BIFF upang hindi na muling maulit pa ang Marawi City siege na kagagawan ng Maute –ISIS.

Samantala, ang insi­dente ay nagbunsod naman sa paglikas ng  mga sibilyan sa takot na maipit sakaling magbakbakan ang magkabilang panig.

Nagpapatuloy naman ang opensiba ng militar laban sa BIFF na nasa likod ng paghahasik ng terorismo sa Central Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with