^

Bansa

Utos na itago ang mga palaboy, pinabulaanan ng DSWD

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na inutusan nila ang mga “palaboy” o “street dwellers” sa lansangan na magtago habang ginaganap ang 31st ASEAN meetings.

Sinabi ni DSWD Officer in Charge Undersecretarty Emmanuel Leyco, na hindi nila ipinag-utos na magtago ang mga palaboy sa lansangan.

Giit ni Leyco, bagama’t hindi sapat ang prog­rama ng DSWD para sa mga street dwellers ay hindi sila uutusang magtago sa halip ay patuloy umano na gagawa ng paraan ang kagawaran na mas mapabuti ang kanilang programa para sa mga palaboy.

Ang pahayag ni Leyco ay kasunod sa akusas­yon ng mga palaboy sa Maynila na sinabihan silang magtago habang ginaganap ang ASEAN summit kung ayaw nilang mapaalis doon ng social workers.

Matatandaan na noong 2015, nabatikos din si dating DSWD Sec. Dinky Soliman dahil sa umano’y puwersahang pagtatago sa mga street dwellers sa isang resort sa Batangas bago duma­ting sa bansa si Pope Francis para sa Papal visit.

Pinabulaanan din ni Soliman ang alegasyon at sinabi na ang ahensiya ay tumutulong sa mga street dwellers bago ang pagbisita ng Santo Papa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with