^

Bansa

Patas na desisyon vs 4 SSS officials, giit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang union ng mga manggagawa ng Social Security System (SSS) na Alert and Concerned Employees of the SSS (ACCESS) para sa mabilis at patas na desisyon sa reklamong administratibo na nakasampa sa apat na opisyal ng SSS .

 Anila, nakompromiso ang integridad ng SSS dahil sa diskusyon sa media ng nasabing reklamo na anila’y isang uri ng “trial by publicity.”

 “Inaanyayahan ng pamunuan ng unyon ang lahat ng mga manggagawa ng SSS sa buong Pilipinas na makiisa sa blue ribbon day na simbolo ng ating pagkakaisa sa layunin na matuklasan ang katotohanan sa likod ng mga kontrobersya, ang pagpapakita ng masugid na suporta para sa ating minamahal na SSS,” sabi ni ACCESS President Amorsolo Competente .

 “Baka iniisip po ninyo na tayo’y nandito para ipagtanggol ang mga nasasakdal, hindi po. Ang una po nating ipinaglalaban dito ay yung integridad ng SSS, sapagkat ang integridad ng SSS ay integridad ng sambayanang Pilipino, integridad ng gobyernong Duterte,” dagdag ni Competente.

 Nakiusap din si Competente kay Social Security Commissioner Jose Gabriel La Vina na itigil na ang “trial by publicity” at hayaang umusad ang kaso sa Social Security Commission (SSC).

 Una nang inireklamo ni SSS Commisioner Jose La Viña  ang mga opisyal ng SSS na sina Reginald Candelaria , Ernesto Francisco dahil umano sa paggamit ng inside information para  bumili ng stocks gamit ang kanilang sariling pera. Inreklamo rin sina SSS chief actuary George Ongkeko Jr. at  Executive Vice President Rizaldy Capulong dahil umano sa neglect of duty.

 Nangako naman si SSS President at CEO Emmanuel Dooc na matatanggap ng mga pensioners ang kanilang pera sa oras kahit na may nagaganap na stock investment controversy sa ahensiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with