^

Bansa

Balag, Faeldon sa Senado na mag-u-Undas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiyak nang hindi makakadalaw sa kani-kanilang mga namayapang mahal sa buhay sina da­ting Customs chief Nicanor Faeldon at lider ng Aegis Juris fraternity na si Arvin Balag dahil aabutin sila ng Undas o Araw ng mga Patay sa Senado

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, chair ng committee on public order and dangerous drugs na nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III na “indefinite” ang pagkakadetine ni Balag sa Senado.

Sa Nobyembre 13 pa o mahigit na isang linggo pagkatapos ng Undas magbabalik ang sesyon ng Senado kaya tiyak na hindi makakapagdesisyon ang mga senador kung pakakawalan na o hindi sina Faeldon at Balag.

Matatandaan na nagmatigas naman si Faeldon na humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa P4.6 bilyong halaga ng shabu na nakapasok sa bansa noong siya pa ang hepe ng BoC kaya pinatawan din ito ng contempt at iniutos na ikulong sa Senado.

Pero niliwanag ni Lacson na maaari rin namang magdesisyon ang mga senador na ilipat sa Pasay City jail  o kahit saang kulungan ang dalawa dahil maliwanag sa kanilang rules na maaari silang ikulong saan mang detention facility na babantayan naman ng Office of Sergeant-at-Arms ng Senado.

Ipinahiwatig din ni Lacson na maaaring hanggang Pasko at Bagong Taon ay makulong ang dalawa sa Senado hanggang hindi sila nakikipag-cooperate.

Nilinaw din ni Lacson na ang contempt ay hindi lang para sa mga nag-i-snub sa subpoena dahil para rin ito sa mga nagsisinungaling o ayaw sumagot sa pagdinig.

Samantala, nagbanta rin si Lacson na tuluyang irerekomenda ang pagkulong kay Faeldon sa Pasay City Jail kung hindi umano ito titigil sa pagpapakita ng kayabangan.

Sinabi ni Lacson na maaari siyang magpaikot ng resolusyon para pirmahan ng mga senador upang mailipat ng kulu­ngan si Faeldon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with