^

Bansa

Paggamit ng Greyball ng Uber, pinabubusisi

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na busisiin kung nagagamit din ng Uber Philippines ang ‘Greyball’.

Sinasabing ang Greyball ay “software tool” na ginamit ng Uber sa London para kilalanin at tanggihang serbisyuhan ang ilang pasahero na lumabag sa terms of service nito.

Binigyang diin ni Atty. Ariel Inton na kailangang matiyak ng LTFRB na hindi ginagamit ng Uber sa Pilipinas ang Greyball para sa kapakanan ng mga drivers at mananakay nito.

Sinabi ni Inton na kung nagawa sa UK London ang pagkansela sa operasyon at hindi na pag-renew sa operasyon ng Uber dahil sa paglabag sa batas, kailangan din anyang gawin ito sa bansa kung mapapatunayang gumagamit din ang Uber ng Greyball.

“Siyempre disma­yado ang Uber tungkol dito dahil sa UK ang isa sa pinakamalaking ope­rations nila, with about 40,000 Uber drivers at higit kumulang na tatlo at kalahating milyong pasahero.

Dito sa atin, kamakailan lang ay sinuspinde ng LTFRB ang Uber ng 30-araw subalit bumuwelta ito at ibinalik ang operation matapos na magmulta ng P190 milyon.” Paliwanag pa ni Inton

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with