PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PANOORIN: Frat initiation rites dapat regulated – Speaker Alvarez

MANILA, Philippines – Walang problema si House Speaker Pantaleon Alvarez sa initiation rites ng mga fraternity basta’t regulated ito.

Aniya iba’t iba ang initiation rites ng mga fraternity ngunit iginiit na responsable pa rin dapat ang mga miyembro sa sasapitin ng neophyte.

“I’m not against fraternities. Because I’m also a member of a fraternity,” sabi ni Alvarez.

"Ilimit kung ano ang gagawin sa initiation. Hindi 'yung basta-basta ,kung anu-anong lang ang gagawin ni'yo," dagdag niya.

Ibinahagi ni Alvarez na noong naging president siya ng Fraternal Order of Utopia ng Ateneo Law School ay naging responsable sila.

“Meron kaming initiation. Meron palaging ambulansya, doktor at nurse na naka standy-by sa initiation rites para kung ano ang mga emergencies naa-address agad namin,” wika ng House Speaker.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: