^

Bansa

Trillanes wala raw bank account sa Singapore

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatunayan kahapon ni Sen. Antonio Trillanes na wala siyang account sa DBS Bank sa Singapore.

Personal na nagtungo sa nasabing bangko si Trillanes kaugnay sa sinasabing bank account number 178000296012 na diumano’y pag-aari niya.

Tinangka ng senador na humingi ng certificate sa nasabing bangko pero hindi ito nabigyan dahil hindi ito kliyente ng DBS.

Matatandaan na inakusahan ni Pangulong Duterte si Trillanes na mayroon umanong mga sekretong bank accounts sa labas ng bansa.

Kabilang sa mga dinalang dokumento ni Trillanes sa DBS branch sa Alexandra Road ang kanyang pasaporte, ID sa Senado at print out ng dokumentong lumabas sa social media tungkol sa sinasabing bank account.

Nauna rito, lumagda ng bank waivers si Trillanes kaugnay sa mga bank accounts na iniuugnay sa kanya kasabay ang hamon kay Duterte na maglabas din ito ng bank waivers.

Sa pinakahuling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Trillanes, idineklara nito na mayroon siyang P4.5 milyong “cash on hand” at pera sa bangko.

Ipinunto pa ni Trillanes na walang Nova-Scotia Bank na sinasabing mayroon umano siyang Canadian $88,551.00 sa account number 18500-62105-00-1.

Maging ang Hongkong Shanghai Bank umano na sinasabing mayroon siyang New Zealand $61,982.10 ay non-existent o pekeng bangko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with