PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kaso vs Noy tuloy na

Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal kay da­ting Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) noong 2015. AP/Wally Santana, File

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal kay da­ting Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) noong 2015.

Kasama rin sa mga kinasuhan sina dating PNP chief Alan Purisima at dating PNP-SAF commander Getulio Napeñas.

Nanindigan si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na may probable cause para papanagutin si Aquino sa kasong usurpation of authority sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay Morales, ang mali raw ni Aquino ay ang pagpayag nito na makialam si Purisima at pangunahan ang Oplan Exodus na target si Malaysian terrorist  Zulkifli bin Hir alyas Marwan at bomb maker Abdul Basit Usman kahit na ito ay suspendido sa tungkulin.

Pahayag pa ni Morales sa 26-pahinang resolus­yong inaprubahan noong September 11, kahit na raw may discretionary powers ang Presidente, hindi raw dapat ito gamitin para lumabag sa batas.

Magugunitang sinuspinde ng Ombudsman si Purisima dahil umano sa maanomalyang courier service contract na pinasok nito noong 2011.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inisnab naman ng Ombudsman ang argumento ni Aquino na nagsabing umakto lamang na resource person si Purisima at hindi nakiisa sa pagpaplano at pagpapatupad ng Oplan Exodus.

Ayon sa Ombudsman, ang palitan ng text messages ni Aquino at Purisima bago at sa panahon ng operasyon ng Oplan Exodus ay pagpapatunay lamang na nabigyan ito ng otorisasyon ng dating chief executive na makialam sa operasyon.

Samantala, nakatakdang pulungin ni Aquino ang kanyang legal team kasunod ng inilabas na desisyon ng Ombudsman na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay ng Oplan Exodus o Mamasapano operation na nauwi sa masaker.

Sinabi ni dating Undersecretary Abigail Valte na tumatayong tagapagsalita ni Aquino, pag-uusapan nila kung ano ang susunod nilang legal na hakbang.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: