PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PANOORIN: Mambabatas na nagsulong ng P1,000 CHR budget

1SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta

MANILA, Philippines – Marami ang nagulat matapos ipasa ng Kamara na gawin lamang P1,000 ang pondo ng Commission on Human Rights sa susunod na taon.

Nauwi ang botohan sa 119-32 kung saan pawang mga miyembro ng tinaguriang “supermajority” ang pumabor sa panukala.

Sa karamihan ng mga boto, si 1SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ang nagsulong ng mosyon upang tuluyang paliitin ang pondo ng CHR na tumutuligsa sa war on drugs ng administrasyon.

BASAHIN: Ilang senador ilalaban ang budget ng CHR na inipit ng Kamara

Ipinagtataka ni Marcoleta kung bakit hindi inaksyunan ng CHR ang karapatang pantao na nilabag ng Maute Group at Abu Sayyaf Group.

"Did the CHR, on its own, investigate the extent of human rights violation of the Maute group on the affected civilian population?" pahayag ni Marcoleta.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"Did the CHR, on its own, investigate the propensity of their (Abu Sayyaf Group) despicable and incorrigible acts with the view of documenting the extent to which their human rights have been desecrated?" dagdag niya.

BASAHIN: Kamara naglaan ng P1,000 budget sa CHR

Nauna nang ipinaliwanag ng CHR na ang tungkulin nila ay pangalagaan ang publiko sa pang-aabuso ng mga kawani ng gobyerno, kabilang ang mga pulis at sundalo.

"Kapag sibilyan o pribadong tao ang nang-rape, pumatay, at iba pa, ito ay krimen. Sa pulis ka dapat pumunta (When a civilian or private person commits rape, murder and others, it is a crime. You should go to the police)," paliwanag nila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: