‘Maring’ landfall sa Quezon, Signal No.1 sa 20 lugar
MANILA, Philippines – Pinaghahanda na ng mga awtoridad ang mga residente ng Quezon province dahil inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyong “Maring” ngayong Martes.
Huling namataan ng state weather bureau PAGASA ang bagyo sa 35 kilometro timog timog-silangan ng Infanta, Quezon kaninang alas-7 ng umaga.
Taglay ng ika-13 bagyo ngayong taon ang lakas na aabot sa 60 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 80 kph.
Gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran si Maring sa bilis na 15 kph.
Tinatayang magla-landfall ang bagyo sa bayan ng Mauban sa Quezon province.
Nakataas ang tropical storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Metro Manila
- Cavite
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Northern Quezon incl. Polillo Island
- Rizal
- Bulacan
- Pampanga
- Quirino
- Nueva Ecija
- Nueva Vizcaya
- Benguet
- La Union
- Tarlac
- Zambales
- Bataan
- Pangasinan
- Laguna
- Quirino
- Aurora
Katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang inaasahan sa Region, CALABARZON, MIMAROPA, Metro Manila, Central Luzon at Pangasinan.
Forecast positions:
24 Hour(Tomorrow morning):120 km West Northwest of Iba, Zambales(15.8°N, 119.0°E)
48 Hour(Thursday morning):415 km West of Sinait, Ilocos Sur (OUTSIDE PAR)(17.4°N, 116.5°E)
72 Hour(Friday morning): 670 km West Northwest of Sinait, Ilocos Sur (OUTSIDE PAR)(19.5°N, 114.4°E)
96 Hour(Saturday morning):870 km West Northwest of Sinait, Ilocos Sur (OUTSIDE PAR)(21.1°N, 113.0°E)
120 Hour(Sunday morning):1,095 km Northwest of Sinait, Ilocos Sur (OUTSIDE PAR)(23.2°N, 111.8°E)
- Latest