^

Bansa

Protesta ni Bongbong ‘naghihingalo’ na – Robredo camp

Pilipino Star Ngayon
Protesta ni Bongbong �naghihingalo� na � Robredo camp

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang kampo ni Bise Presidente Leni Robredo na mananalo sila sa election protest na isinampa ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng paggiit ng Korte Suprema sa integridad ng eleksyon 2016.

"Naghihingalo na ang protestang 'yan at sana naman 'yan ay mapag-aralan nang mabuti para hindi na hustong tumatagal 'yan," wika ni Romulo Macalintal abogado ni Robredo sa kaniyang panayam sa ANC "Headstart” ngayong Miyerkules.

Ibinasura ng mataas na hukuman kahapon ang mosyon ni Marcos na kinukwestyon ang integridad ng eleksyon, kung saan nais niyang ipawalang-bisa ang resulta ng botohan sa pagkapresidente at bise president.

Samantala, iniutos naman din ng Korte Suprema ang pagkuha ng mga ballot boxes at election materials sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Kinakailangan mapatunayan ni Marcos na may makukuha siyang ebidensya sa gagawing recount sa tatlong probinsya.

"'Pag wala siyang napatunayan d'yan mababalewala na, dismiss na ang kanyang kaso," sabi ni Macalintal.

Kung may makukuha si Marcos sa Camarines Sur, Iloilo and Negros Oriental, saka pa lamang gugulong ang kaniyang hirit na mapawalang-bisa ang resulta ng halalan sa Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao.

Nauna nang inakusahan ni Marcos na may anomalyang nangyari sa Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao at mayroon silang ebidensya.

Kung mangyayari ito ay lalabas na lamang si Marcos ng 45,000 na boto laban kay Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with