^

Bansa

Modus ng sindikato sa mga sasakyan, binisto ng LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinisto ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang bagong modus operandi ng mga sindikato sa mga sasakyan.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding president ng LCSP, mayroon na ngayong Pasalo Car scam, Repo Car scam at Assume Balance Scam na target ay mga car owners na hirap nang magbayad ng kanilang monthly amortization sa financing company o sa mga bangko.

Anya, marami na ang nag­reklamo sa kanyang tanggapan hinggil sa modus operandi na ngayon ay kanyang tinutulungan.

“Ang diga ng mga scammers ay ibenta na lang sa kanila ang mga sasakyan at sila na ang magpapatuloy ng pagbabayad nito sa bangko pero ang nangyayari ay hindi binabayaran ng ng scammers ang monthly amortization sa bangko o sa financing company na kinunan nila ng car loan bagkus yung sasakyan nila ay ibebenta pala sa iba,” pahayag ni Inton .

“Sa mga lumapit sa amin sa LCSP ay papipirmahin sila ng mga dokumento at babayaran sila ng down payment para sa kanilang sasakyan. Akala nila ay doon na matatapos ang problema nila sa pagbabayad ng monthly hulog sa banko yun pala ay mas malaking problema ang haharapin nila. Hindi pala babayaran ang monthly amortization nila at ang sasak­yan ay ibebenta ng murang halaga sa ibang tao. Kaya tuloy ang mga biktima ay madedemanda ng bangko,” dagdag ni Inton.

Hiniling din ni Inton sa pamahalaan na busisiin ang bentahan ng mga sasakyan na may “low-down payment scheme” at tingnan kung naaabisuhan ang bangko kapag may bentahan ng sasakyan para mapangalagaan ang interes ng mamamayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with