^

Bansa

Abusadong pulis mananagot - Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Abusadong pulis  mananagot  - Malacañang

Tiniyak kahapon ng Malacañang na mananagot at hindi kukunsintihin ang mga pulis na mapapatunayang umaabuso sa kanilang tungkulin. File

MANILA, Philippines -  Tiniyak kahapon ng Malacañang na mananagot at hindi kukunsintihin ang mga pulis na mapapatunayang umaabuso sa kanilang tungkulin.

Ang paniniyak ay ginawa ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa gitna ng pagkamatay ng 17-taong gulang na estudyante sa Caloocan City na sinasabing hindi naman totoong nanlaban sa pulisya base sa kuha ng CCTV at mga lumutang na testigo.

Sinabi ni Abella na bagaman at hindi niya tiyak kung ano ang nasa isip ng Pangulo tungkol sa isyu, pero nakatitiyak siyang hindi nito kukunsintihin ang mga lumalabag sa batas at umaabuso sa katungkulan.

Sinabi pa ni Abella na awtomatiko naman ang gagawing pag-iimbestiga ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police.

Pero tiniyak ni Abella na mas ligtas ang mga lansangan sa ngayon sa kabila ng biglang pagtaas na naman ng bilang ng mga napapatay dahil sa iligal na droga.

Tinawag din ni Abella na “isolated” ang kaso ng pinatay na estudyante sa Caloocan na anak ng isang overseas Filipino worker.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with