Philippines embassies pinaghahanda pa rin vs missile attack ng Nokor
MANILA, Philippines - Inatasan pa rin ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang mga embahada ng Pilipinas sa ibang bansa na maglatag pa rin ng contingency plan kahit pansamantalang pinigil ni North Korean leader Kim Jong Un ang naunang plano na missile attack sa Guam.
Sinabi ni Cayetano sa Philippine embassies at consulates general na rebyuhin ang kanilang mga contingency plan kahit hindi natuloy ang planong missile attack ng Nokor sa Guam.
“Our people all over the world are counting on us to lead them to safety in case worse comes to worst. It is thus important to make sure that all our contingency plans are regularly reviewed and updated,” sabi ni DFA Spokesman Robespierre Bolivar.
Magugunita na pansamantalang pinigil ni Kim ang paglulunsad ng apat na missile sa Guam nitong Agosto 15 gaya ng naunang target deadline ng Pyongyang.
- Latest