^

Bansa

Rider tigok sa semplang

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todas ang isang rider makaraang sumemplang na mag-isa sakay ng hiniram niya na motorsiklo, kahapon dakong 4:45 ng madaling araw sa Camarin Rd, Brgy.174, Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Joe Louise Delmindo, 29, ng Blk.10 Lt.20 Ph.3 Package 1 Brgy.176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, minamaneho ni Delmindo ang isang motorsiklo na nakarehistro sa isang Franklin Balmaceda patungo sa Zabarte Road nang mawalan ng kontrol at sumemplang.              

Tumilapon ang biktima matapos na humampas ang minamanehong motorsiklo sa mataas na bangketa dahilan para magtamo ng matinding pinsala sa katawan at ulo na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa mga nakasaksi, napakatulin umano ng pagpapatakbo ng biktima at wala pang suot na crash helmet nang maganap ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with