PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marawi siege malabong matapos bago SONA – AFP

MANILA, Philippines - Malabo umanong ma­tapos ang krisis sa Marawi City na nasa ika-53 araw na kahapon bago ang State of the Nation of the Nation  (SONA) ni Pangulong Duterte sa darating na Hulyo 24.

Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., na nasa 600 pang gusali ang kaila­ngang malinis na inookupa ng Maute terrorists group. 

Una rito, nagtakda muli ng palugit na 15 araw si Pangulong Duterte sa tropa ng pamahalaan para tapusin ang Marawi siege.

“Yeah, so we are right into the 10 to 15 days of the President. But the 10 to 15 days is beyond the SONA, by the way, so don’t expect it to be before the Sona,” sabi ni Padilla.

Ayon kay Padilla, si­mula nang magsagawa ng clearing operations ang tropang gobyerno ay nasa 1,50-2,000 istraktura na inokupa ng 500 terorista ang target malinis sa lungsod habang 40 hanggang 50 gusali ang nalilinis ng militar kada araw na operasyon sa Marawi City.

Nakatakda namang magrekomenda si Defense Sec. Delfin Lorenzana kay Pangulong Duterte kung palalawigin o tatapusin na ang Martial Law.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umaabot na sa 530 ang death toll sa Marawi, kabilang ang 392 terorista, 93 security forces at 45 sibilyan.

May 498 armas ang nakumpiska at nasa 1, 723 sibilyang hostage at na-trap sa bakbakan ang nasagip.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: