^

Bansa

Nasa ‘kama’ lang ako - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Nasa �kama� lang ako - Digong

Pahayag ito ni Pa­ngulong Duterte sa pina­lulutang ng kanyang mga kritiko na ‘comatose’ ito kaya nawawala ng ilang araw sa public eye. Richard Madelo/Presidential Photo, File

MANILA, Philippines - “Huwag kayo maniwala na comatose ako. If am not around and you don’t see me, I am in my “kama” (bed) not in the state of coma.”

Pahayag ito ni Pa­ngulong Duterte sa pina­lulutang ng kanyang mga kritiko na ‘comatose’ ito kaya nawawala ng ilang araw sa public eye.

Sa kanyang mensahe sa 120th anniversary ng Presidential Security Group kahapon na ginanap sa Malacañang Park, Manila, nagbiro pa ang Pangulo na kung sakaling ‘mawala’ man siya ay mayroong dalawang claimants sa iiwan niyang puwesto sa Malacanang.

“There are two claimants to the presidency, should I die. One is Elly Pamatong. Baka magkamali kayo ‘ha. Nandyan si Leni according to the Constitution,” wika ng Pangulo.

“There is a time to live and there is a time to die. How you die is God’s call,” dagdag pa niya.

Pinangunahan muna ni Pangulong Duterte ang groundbreaking ceremony ng bagong PSG station hospital sa loob ng Malacanang park.

Muli ring humingi ng paumanhin ang Pangulo sa mga taga-Marawi at Mindanao sa pagdedeklara ng Martial Law.

Siniguro naman ni Duterte sa mga miyembro ng PSG ang P50 bilyong trust fund para sa kanila at matutupad ito sa ilalim ng kanyang termino.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with