^

Bansa

ATM glitch ‘di na mauulit - BPI

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
ATM glitch �di na mauulit - BPI

Sinabi ni Cezar Con­sing, pangulo at chief Exe­cutive Officer ng BPI sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial intermediaries, na mayroon na silang hakbang na ginagawa para hindi na maulit ang naturang pangyayari. IRRI/File

MANILA, Philippines -  Upang hindi na maulit ang pagkakamali na nangyari noong nakaraang linggo na nabawasan at nadagdagan ang pera ng mga kliyente, gumagawa na ng hakbang ang Bank of the Philippine Islands (BPI).

Sinabi ni Cezar Con­sing, pangulo at chief Exe­cutive Officer ng BPI sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial intermediaries, na mayroon na silang hakbang na ginagawa para hindi na maulit ang naturang pangyayari.

Iginiit din ni Consing na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang regulators matapos ang insidente kung saan ibinahagi din nila ang configuration at processes ng kanilang IT system, na isang robust system na humahawak ng average na 3.5 transactions kada araw.

Bukod dito, ipinaalam na rin nila dito na lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang nangyari ay kaso ng human error at hindi hacking.

Dahil dito kaya 1.5 mil­yon ?sa 8 milyong kliyente umano nila ang naapektuhan ng nasabing glitch.

Sa pagtatanong naman ni Bukidnon Rep. Samuel Zubiri, sinabi ni BSP Deputy Director Melchor Plabasan na mayroon na ring mga katulad na pangyayari sa Singapore at United Kingdom at sa iba pang mauunlad na bansa.

Naayos na rin umano ang lahat ng account at ang natira na lamang ay ang P46 milyong ‘accidental’ withdraw o na-credit sa mga kompanya na ginamitan ng kanilang account.

Ayon naman kay Joseph Gotuaco, chief financial officer at executive vice president ng BPI, na ang average na nabawas o nadagdag sa mga apektadong account ay P7,000 at ang pinakama­laki umanong na-debit ay P1.6 milyon at ang pinakamalaking na-credit ay P2.5 milyon.

Siniguro naman ni Ramon Jocson, executive vice president for enterprise services, na mayroon silang rekord sa bawat transaksyon ng isang kli­yente kaya mahahanap nila kung saan nagkaroon ng problema.

Ito umano ang dahilan kung bakit naitama nila ang mga pagkakamali sa loob lamang ng 37 oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with