^

Bansa

Private schools magsasara sa libreng tuition fee sa public

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Private schools magsasara sa libreng tuition fee sa public

Ayon kay Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) at Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) legal counsel Atty. Joseph Noel Estrada, hindi lang para sa mga mahihirap na kabataan sa mga pampublikong kolehiyo ang libreng edukasyon. FIle

MANILA, Philippines -  Pinangangambahang magsara ang ilang private schools sa bansa dahil umano sa libreng tuition fee sa mga pampublikong paaralan.

Hindi lang para sa mga mahihirap na kabataan sa mga pampublikong kolehiyo ang libreng edukasyon.

Ayon kay Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) at Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) legal counsel Atty. Joseph Noel Estrada, hindi lang para sa mga mahihirap na kabataan sa mga pampublikong kolehiyo ang libreng edukasyon.

Anya, dapat piliing mabuti ang magiging benepisyaryo ng House Bill 5633 o panukalang magbibigay ng libreng tuition fee sa mga estudyante sa State Universities and Colleges (SUC’s) at technical vocation schools.

Ayon kay Estrada, ma­rami ring mahihirap na mag-aaral sa mga pribadong paaralan na nangangaila­ngan ng tulong pinansiyal.

“In reality, mayroong mahihirap na nasa private school at mayroon din namang may kaya na naka-enroll sa SUC. Hanapin sana natin yung mga nangangailangan at bigyan ng subsidy ng gobyerno whether siya ay nasa SUC’s or nasa private school. Huwag sana limitahan lang ang tulong sa mga estudyante sa public schools,” pahayag ni Estrada.

Nababahala si Estrada dahil maaaring magdala ng malaking kalbaryo para sa mga pribadong paaralan ang House Bill 5633.

“Katulad ng ibang mga panukala, may risks involved. Magbibigay ng libreng edukasyon sa SUCs baka ito ay mag-trigger ng massive transfer papunta sa public. Kapag nangyari po iyon ay hindi kakayanin ng mga existing SUC’s yung pagdagsa ng estud­yante sa kanila kaya ang mangyayari po imbes na maging affordable, mas lalong magiging magastos para sa gobyerno at maraming magsasara na private schools,” sabi ni Estrada.

Sa tala, 55 porsiyento ng mga estudyante sa kolehiyo ay nag-aaral sa pribadong paaralan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with