PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Duterte dumalo sa 80th birthday ni Erap

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa okasyon sina da­ting Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, dating Vice President Jejomar Binay, Sen. Loren Legarda, Rep. Imelda Marcos at mga dating senador Juan Ponce Enrile at Ferdinand Marcos Jr.

MANILA, Philippines -  Dumalo kamakalawa ng gabi si Pangulong Duterte sa ika-80 kaarawan ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa Manila Hotel.

Sa kanyang mensahe, binati ng Pangulo si Estrada at muling iginiit ang kanyang pangako na tatapusin ang problema sa droga at korapsiyon sa bansa.

Binanggit rin muli ng Pangulo na kung hindi masusugpo ang problema sa iligal na droga ay manganganib ang mga susunod na henerasyon ng mga Filipino.

Sinabi ni Duterte na ang kanyang layunin ay mawakasan ang korapsiyon at katiwalian at maging ang iligal na droga samantalang ang kanyang mga economic managers ang mag-aayos ng ekonomiya ng bansa.

Ang mga miyembro aniya ng kanyang Gabinete ay matapat at puro magagaling na kayang patakbuhin ang ekonomiya.

Sa nasabi ring okasyon, ipinangako ng Pangulo na tutugisin ang mga abusadong oligarchs lalo na yong mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

  • Follow Us: