PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pagbabasura ng plunder case ni Arroyo, pinagtibay ng SC

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nilang hatol na ibasura ang plunder case ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa botong 11-4 ay pinal na ang hatol ng mataas na hukuman sa pagbasura ng kaso ni Arroyo kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ibinasura ito dati dahil sa kawalan ng merito kaya naman nakalaya si Arroyo mula sa pagkaka-hospital arrest sa Veterans' Memorial Medical Center sa lungsod ng Quezon noong Hulyo 2016.

Kabilang sa mga nagboto na ibasura na ang kaso ay sina Justices Samuel Martires, Noel Tijam, Presbitero Velasco, Jr. Diosdado Peralta, Teresita Leonardo-De Castro, Lucas Bersamin, Jose Mendoza, Mariano Castillo, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe at Francis Jardeleza.

Muli naman itong kinontra nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, at Justices Marvic Mario Victor Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

Matapos makalaya ni Arroyo ay kaagad siyang bumalik sa trabaho sa Kamara.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: