Marijuana sa bagahe, nasabat ng BOC Doris Franche- Borja
MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang isang package ng mga sweater mula sa Canada na may kasamang marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P100,000.
Bumagsak sa BOC - Central Mail Exchange Center (CMEC) warehouse sa Pasay City ang apat na vaccum-sealed plastic pouches na naglalaman ng 343 gramo ng cannabis dried leaves o mas kilalang marijuana.
Mismong ang mga tauhan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), NAIA Customs Police, NAIA Collection District III at NAIA Inter Agency Task Group ang nakakumpiska ng nasabing kontrabando.
Agad ding dinala sa Pasay City Hall of Justice si Dreandre Travis Johnson Cruz, na claimants ng nasabing parcel upang imbestigahan.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) 9165, ang marijuana ay mahigpit na ipinagbabawal sa Comprehensive Dange-rous Act of 2002,
Kakasuhan ng paglabag sa RA 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang suspek.
- Latest