PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Leni ibinukong atat maging presidente ni Digong

MANILA, Philippines -  Ibinuko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino community sa Myanmar na nagmamadali si Vice-Pre­sident Leni Robredo na maupo bilang pangulo ng bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, masyadong nagmamadali ang mga kalaban ko pati si VP Leni na maging presidente.

“Ang mga kalaban ko, si Leni apurado masyadong maging presidente [laughter] tapos ito sila, si Trillanes is a barking dog,” wika pa ng Pangulo sa Filipino community sa Nay Pi Taw.

Naunang sinabi ni Duterte na hindi siya magugulat kung kasangkot si Robredo sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya na pinangunahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa Kamara.

Itinanggi naman ng kampo ni Robredo na may kinalaman ang bise-presidente sa paghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulo. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: