PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Paghihigpit sa drivers license, giit

MANILA, Philippines -  Hinimok ng pamunuan ng  Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Land Transportation Office (LTO) na higpitan ang pagkakaloob ng drivers license sa mga aplikante nationwide.

Ito ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP bilang reaksiyon sa kontrobersiyal na pahayag ni Sen. Tito Sotto na mahigit sa kalahati ng mga drivers na Pinoy ay “stupid drivers”.

Sinabi ni Inton na walang data si Senador Sotto para patunayan ang kanyang sinasabi pero bilang isang ordinaryong motorista ay mistulang may katotohanan naman ang sinasabi ng mambabatas.

Aniya, madaming driver sa ngayon ay walang sapat na kaalaman sa pagmamaneho pero nakakakuha ng driver’s license.

“Ang pagiging istupido marahil ay mahirap na gawing batayan nang hindi pagbibigay approval na mabigyan ng lisensya pero ng kakulangan sa kaalaman sa tama at ligtas na pagmamaneho ay masusukat ng LTO kung mahigpit lamang ito sa driving examinations ng mga nag-a-apply ng lisensya,” wika pa ni Inton.

Inerekomenda ni Inton kay LTO chief Edgar Galvante na oras na kumuha ang aplikante para sa nag-uumpisa na nais magmaneho ay kailangang bigyan ng sapat na edukasyon bago mabigyan ng student license.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kinodena rin nito ang kawalang course outline lecture man lang na naibibigay ang LTO sa mga aplikante mula  student’s license gayung pagkatapos ng isang buwan ay  kukuha na ito ng non-pro o makaraan ang limang buwan ay kukuha na ng prof license. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: