PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ceasefire sa impeachment hingi

Iginiit din ni Quezon City Rep. Winnie Castelo, na ang impeachment ay highly politically divisive at explosives process na magdudulot lamang ng malalim na sakit sa bansa sa halip na pagpapagaling sa umiiral ng sugat sa pulitika. File photo

MANILA, Philippines - “Impeachment ceasefire.”

Ito ang panawagan ni Quezon City Rep. Winnie Castelo sa  mga tagasunod at kalaban nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo na kapwa nahaharap na sa impeachment sa Kongreso.

Ang panawagan ni Castelo ay bunsod sa magkasunod na impeachment complaint na isinampa ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Duterte at pagbabanta rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng katulad na reklamo laban naman kay Leni Robredo.

Paliwanag ng Kongresista, ang pagpapa-impeach sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa, magtagum­pay man o hindi, ito ay walang patutunguhan at maaari lamang lumala at magdulot ng pagkakahati-hati sa bansa.

Iginiit din ni Castelo, na ang impeachment ay highly politically divisive at explosives process na magdudulot lamang ng malalim na sakit sa bansa sa halip na pagpapagaling sa umiiral ng sugat sa pulitika

Dahil dito kaya nanawagan ang mambabatas sa mga kaalyado ni Duterte at Robredo at mga kasama sa Kongreso na huwag magpatangay sa kanilang emosyon at hayaang manaig ang soberenya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: