^

PM Sports

Quitoy binigyan ng full sponsorship

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging viral ang istorya ni Roel Quitoy ng Team Mindanao matapos manalo sa Calamba, Laguna-Tagaytay City Stage 10 ng 2017 LBC Ronda Pilipinas.

Bago maghari sa naturang stage ay nasira ang ginagamit ni Quitoy na aluminum bike, nagkaka-halaga lamang ng P12,000, sa Angeles-Subic Stage Three.

Ipinahiram ni Paul Tan sa tubong Zamboanga City ang isang bagong carbon road bike na nag-re-sulta sa kanyang pag-angkin sa Stage 10.

Ibinulsa ng 25-anyos na si Quitoy ang prem-yong P20,000 para sa kanyang lap victory kung sa-an siya pinauna sa finish line ng nagdedepensang si Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance.

Nang maging viral ang nasabing istorya ni Quitoy ay isang grupo ng cycling lovers sa katauhan ng Superteam Wheels at ni Ruel Cruzado ng Multisport Hub Nuvali ang nagtulung-tulong.

Kahapon ay tumanggap si Quitoy ng full sponsorship mula sa Tomas Bikes Philippines.

“Roel Quitoy of Team Mindanao just received his full sponsorship of a brand new 2017 Totem Sorento LTD Carbon Road bike from us,” pahayag ng Totem Bikes Philippines.

“We would like to thank Superteam Wheels for providing Roel a carbon wheelset and to Ruel Cruzado of Multisport Hub Nuvali for making this happen,” nakasaad pa sa kanilang official post.

Ang naturang racing bike ni Quitoy ay nagkakahalaga ng P100,000.

Samantala, pakakawalan ang Stage 12 ng 14-stage bikefest sa Marso 2 sa Guimaras kasunod ang Stage 13 at 14 sa Marso 3 at 4 sa Iloilo City.

Hangad ng 31-anyos na si Morales, umangkin ng apat na stages ngayong taon, na maging unang back-to-back champion ng LBC Ronda Pilipinas.

Naglatag ang LBC Ronda Pilipinas ng prem-yong P1 milyon para sa magkakampeon mula sa presentor na LBC at katuwang ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

vuukle comment

ROEL QUITOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with