^

Pang Movies

John Lloyd nakisali para ituloy ang peace talks

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

“I am artist for peace. #PeaceTalksItuloy.”

Yup, kasama si John Lloyd Cruz sa nagtutulak na ituloy ang usapang pangkapayapaan matapos siyang du­malo sa ginanap na forum ng mga member ng Karapatan and Tudha na nangunguna sa video project para isulong nga at ipahayag ang saloobin ng karamihan para sa pangmatagalang kapayapaan.

Hindi umano nahirapan ang mga nangunguna sa kampanya para ituloy ang peace talks na isali ang actor matapos ngang suspendehin ni President Digong Duterte ang peace talks noong first week pa ng February nang mamatay ang ilang sundalo sa kamay ng mga New People’s Army.

Bukod kay John Lloyd, kasama rin sa nakiisa si Nora Aunor.

Sandara gusto uling magka-career sa ‘Pinas  dahil kay Robi

Si Robi Domingo nga ba ang rason  kung bakit gustong i-activate ni Sandara Park ang career niya sa bansa?

Ayon sa ilang sitsit, nagkaka-ayos na raw ang da­lawa.

 Kamakailan lang, balita na nag-split na sina Robi at TV host and volleyball star na si Gretchen Ho na nagpaiksi ng buhok matapos ang sinasabing hiwalayan nila ng TV host.

Marian mas ma-kurba kesa kay Barbie?!

Payag kaya si Marian Rivera na sa kanya kinu-compare ang pagto-two piece ni Barbie Forteza?

Si Marian daw ang naalala sa mga nakakita sa picture ni Barbie para sa kanyang serye sa GMA-7.

Hmmm. Ang isang sigurado mas may curve ang katawan ni Yan Yan noong una siyang mag-bikini. Charrottt.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with