^

Metro

Ka-tropa ipinagtanggol, kelot dedo sa bayaw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 28-anyos na lalaki nang saksakin sa dibdib ng bayaw na naka­alitan ng kaibigan, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) binawian ng buhay habang ginagamot ang biktimang si Rhoel Leal,  ng Chesa St., corner Sta. Fe, Tondo, Maynila habang hinahanting naman si Ogie Eva-ngelista, 38, bayaw ng bikti-ma at residente din ng lugar.

Sa ulat ni SPO2 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 11:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa gate ng bahay ng biktima.

Umuwi mula sa inuman ang biktima at habang nakatayo ito sa gate ay nilapitan ng bayaw at sinumbatan sa pakikialam nito hanggang sa saksakin na rin sa dibdib.

Bago ang pananaksak,  nakita umano ng suspek ang biktima at ilang kaibigan na nag-iinuman at kabilang sa kainuman ang isang Danro Centeno, 26, residente ng no 6 Magsaysay st., Tondo.

Sinita umano ng suspek si Centeno dahil sa hindi binabayarang utang hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo. Upang iwasan ang suspek, sinabihan ng biktima na lumipat sila ng lugar ng inuman.

Patuloy na umano ang inu­man nang muling lumutang ang suspek na may hawak na kahoy at ipinalo sa ulo ni Centeno na naawat naman at umuwi na ang suspek.

Matapos ang inuman ang biktima ay umuwi na rin at hindi akalain na nag-aabang ang suspek sa kaniya sa labas ng bahay hanggang sa mangyari ang komprontasyon at pananaksak.

 

vuukle comment

KELOT DEDO SA BAYAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with