^

Metro

2,800 QCPD personnel ikakalat sa Undas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang masigurong hindi makakalusot ang mga masasamang elemento na maaring mananamantala sa araw ng Undas, aabot sa 2, 800 kapulisan ang ipakakalat bukas ng Quezon City Police District (QCPD) para magbantay sa mga kritikal na lugar sa lungsod.

Ayon kay QCPD Director P/Senior Supt. Guiller­mo Eleazar, ang araw ng Undas ay special na araw kaya naman marami din sa mga ito ang magtutungo sa sementeryo para bisitahin ang namayapa nilang mahal sa buhay at mag-iiwan sa kanilang bahay kung kaya dapat na bantayan ng kanilang kapulisan.

Dahil dito, sabi ni Eleazar, sa nasabing bilang  ng personnel ay hinati nila ito sa tatlong task group na tinatawag na Alpha, Bravo at Charlie.

Sabi ng opisyal, ang Task Group Alpha ay nakatutok anya sa pangangalaga sa anti-criminality na dati ng ginagawa tulad ng pagpapatrulya sa mga kabahayan laban sa mga mananamantalang masasamang loob na maaring umatake sa mga bahay ng mga residente ang aalis at magpupunta sa mga probinsya. 

Habang ang Task Group Bravo ay naka-pokus naman anya sa pang kapayapaan ng anim na sementeryo at 12 polumbarya laban sa mga posibleng manggulo sa katahimikan ng selebrasyon. At ang pangatlo, ang Task Force Charlie ay siya namang magbabantay para sa kaayusan ng mga mataong lugar tulad ng    30 bus terminal, limang Metro Rail Transit Station at apat na Light Trail Station sa lugar.

Giit ng opisyal, sa ganitong okasyon ay hindi maa-ring maging kampante ang kapulisan o ipawalang bahala ang sitwasyon dahil may masasamang elemento na palaging nakaamba at kumukuha ng tiyempo tulad ng mga “Akyat bahay” sa mga kabahayang walang tao o pagdurukot naman sa mga matataong lugar.

Dagdag ni Eleazar, tuloy-tuloy ang anti-criminality effort na kanilang gagawin lalo na sa araw ng Undas upang makamit ng maraming residente sa lungsod ang kapayapaan, seguridad, at katahimikan sa oras ng ipinagdiriwang ito kapiling ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Kasabay nito, nagpaalala rin si Eleazar sa publiko na maging vigilante o tiyaking maayos na nakasarado ang pintuan ng iiwan nilang tahanan upang hindi maging biktima ng mga masasamang loob.

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with