^

Metro

Student driving, prusisyon ng patay ipagbabawal na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa mga pangunahing lansangan

MANILA, Philippines – Plano nang ipagbawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang student dri-ving at pagsasagawa ng mga prusisyon ng patay na dahilan din umano ng pagbubuhol sa daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Sinabi ni MMDA Chairman Thomas Orbos na ang mga naturang hakbang ay kabilang sa mga pinag-aaralan at tinatalakay ngayon ng Inter-Agency Committee on Traffic (IACT) sa mga paraan para mabawasan ang matinding pagsisikip ng trapiko.

Batid ni Orbos na naging tradisyon na ng mga Pilipino ang prusisyon sa paghahatid sa huling hantungan ng kanilang mga yumaong kaanak at mas mahaba ang pila ng sasakyan at nanga-ngahulugan umano na mas maraming nagmamahal sa yumao.  Ngunit kasabay nito, nagdudulot rin ng napakabigat na trapiko ang naturang mga prusisyon na dapat matigil na sa Metro Manila.

Suhestiyon ni Orbos na idiretso na lamang sa mga sementeryo ang labi ng mga kaanak at bigyan ng nararapat na misa o programa para alalahanin ang buhay ng kanilang yumao para hindi naman makaabala sa mga nabubuhay pa lalo na sa mga motorista.

Isa rin nagdudulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko ang pagmamaneho ng mga student driver sa mga pangunahing lansangan na bumabalahaw rin lalo na sa mga kasunod nito.  Maitutu-ring umano na “obstruction of traffic” ang pagmamaneho ng mga student driver lalo na kung palagiang namamatayan ng makina.

Panukala ni Orbos, dapat umanong gumawa ng paraan ang mga driving school kung saan makakapagmaneho ang kanilang mga estud-yante tulad ng pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng mga villages o subdibisyon.

 

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with