^

Metro

Walang terror threat sa UNDAS-NCRPO

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang  natatanggap na ‘terror threat’ ang National Capital Region Police Office (NCRPO)  sa Metro Manila kaugnay ng paggunita sa Undas.

 Ayon ito kay  NCRPO Spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas sa press briefing sa Camp Crame kahapon.

Ginawa ni Molitas ang pahayag sa gitna na rin ng mga ulat na nagpapaikot-ikot lamang ang mga bandidong Abu Sayyaf Group ( ASG)  mula Zamboanga, Cebu, Negros Oriental at maging  sa Metro Manila .

Sinabi ni Molitas na kasabay nito ay binuo na ang Joint Task Force-NCR upang tiyakin ang seguridad ng publiko sa kabuuang 99 sementeryo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila

Gayundin mahigpit ding babantayan ang pantalan, terminal ng bus, MRT, LRT station, mga pook dasalan at iba pang mga matataong lugar.

 “Naka-full alert tayo”, ani Molitas kung saan maging ang mga subdibisyon na walang tao ang mga kabahayan ay magpapakalat din sila ng  mga magrorondang police mobile cars habang paiigtingin rin ang police visibility at beat patrols.

vuukle comment

UNDAS-NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with